Isip ko'y litung-lito;
Sa net ay ika'y inibig ko.
Kahit 'di pa kita nakikita,
Puso ko'y bihag mo.
Sa sandaling kachat kita,
Anong saya aking nadarama.
Dalangin ko na sana'y online ka
Upang ika'y makasama.
Kahit sa litrato lang kita nakita
At sa chat lang kita nakilala,
Sa sandaling kasama ka,
Puso ko ay maligaya.
At nang ikaw ay lumisan, aking sinta,
Puso ko'y lumuluha't nagdurusa.
Sana naman ay bumalik ka;
Pagkakaingatan ko na.
Ako ngayo'y nag-iisa,
Hinahanap-hanap pa rin kita.
Sa chatroom, ika'y aking nakikita.
Iba ang 'yong kasama.
Naglalambingan pa kayo;
Nasasaktan ang puso kong ito.
Ano nga ba ang kasalanan ko
Ngayon ako'y iniwan mo?
Kahit sa litrato lang kita nakita
At sa chat lang kita nakilala,
Sa sandaling kasama ka,
Puso ko ay maligaya.
At nang ikaw ay lumisan, aking sinta,
Puso ko'y lumuluha't nagdurusa.
Sana naman ay bumalik ka;
Pagkakaingatan...
Kahit sa litrato lang kita nakita
At sa chat lang kita nakilala,
Sa sandaling kasama ka,
Puso ko ay maligaya.
At nang ikaw ay lumisan, aking sinta,
Puso ko'y lumuluha't nagdurusa.
Sana naman ay bumalik ka;
Pagkakaingatan ko na.
Sana naman ay bumalik ka;
Pagkakaingatan ko na...
![lol!](https://2img.net/i/fa/i/smiles/lol.gif)